click below
click below
Normal Size Small Size show me how
FILIPINO
Mga Bahagi ng Pananalita
| Term | Definition |
|---|---|
| PANGNGALAN | Ito ay tumutukoy sa pangngalan ng tao, hayop, pook, bagay o pangyayari. Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki. |
| PANGHALIP | Ito ay inihahalili o ipinapalit sa pangngalan upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng pangngalan. Halimbawa: ako, siya, sila, ikaw, tayo |
| PANDIWA | Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop. Halimbawa: tumakbo, tumalon, uminom, kumain. |
| PANGATNIG | Ito ay ginagamit upang ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap. Halimbawa: subalit, dahil, ngunit, kaya, sapangkat. |
| PANG-UKOL | Ito ay nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Halimbawa: ukol sa, ayon sa, hinggil sa, laban sa, tungkol sa. |
| PANG-ANGKOP | Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Halimbawa: na, ng |
| PANG-URI | Ito ay tumutukoy sa mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa isang pangngalan, bagay at hayop. Halimbawa: maganda, matalino, pula, matamis. |
| PANG-ABAY | Ito ay ang mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Halimbawa: ba, kasi, naman, yata, kaya. |
| PANTUKOY | Ito ay ang katagang ginagamit sa pagtukoy ng tao, bagay, lunan o pangyayari. Halimbawa: ang, ang mga, mga, |
| PANGAWING | Ito ay paraan ng pagpapakilala ng pagkakaayos o pagkakasunod sunod ng pangungusap. Halimbawa: ay |